cause cold
nostalgia
chills me to the bones
welcome humans!

ShoutMix chat widget
Yo.Jireh here.


Jireh.
that's jai-ra for you.
it's Hebrew,but i'm not.
15 years old.
Glendale School;Quezon City Science HS;Dr.Henry A. Wise HS
Love.Faith.Unity.Peace.Courage.Fidelity
Darwin.Curie.Curie.i don't know what's next.
10th Grade.
Filipino.
singing.reading.drawing.internet.daydreaming.eating.
Jpop.Jdrama.Kpop.books.manga.anime.
House MD.
JAPAN.
Yamada Ryosuke = ♥

God.memories.books.love.
Tuesday, June 2, 2009 @ 4:46 PM
ninakaw kay Mychael through Mia.bwahaha.
40 Things na nagpapatunay na ikaw ay Scientian:

Scientian ka kung...Bold


1. Isa ang cramming sa special talent mo. Sa tinagal-tagal mo na sa Kisay, talagang mahirap umiwas sa tukso ng pagpupuyat. HANGGANG NGAYON.XD

2. Coop ang tawag mo sa canteen. At Island ang naman ang tawag mo sa lugar na malapit sa flagpole at may nakasulat na "Wrong Way". at One way eh ganun eh.:)

3. Paborito mong canteen staff si Ate Duday dahil marami siya maglagay ng gatas sa Banana-con-hielo.or si drummer boy(ung nagluluto ng hamburger) dahil iniinit lng nya ang mga niluluto nya. tama!si kuya WenniethePooh din gusto ko.haha.peborits ko din sila kuya Gani,kuya Taray tsaka ate Laura.pati si kuya English.wag na ung si kuya Jesse.:P

4. Nagtataka ka pa rin hanggang ngayon kung ano ang ginagawa ng isang canteen sa maliit na gate... at kung bakit di tayo pwede kumain dun. haha.hindi ko nga alam kung bakit nandun un.

5. Kilala mo si Mang Fred, Kuya Ace, Ate Duday, Kuya Gani, Kuya Marvin, Ate Dory, Sir Madriaga at si Bogart. Hinahanap mo pa rin ngayon si Bogart. Wala na siya. Kinain na siya ng mga manok.pero may bagong asong gumagala. di ko lng alam pangalan kilala ko silang lahat.pati si ate Estrella.:D

6. Iced tea/strawberry juice/C2/libreng tubig/buko/melon/sago ang bumubuo ng 90% ng fluid intake mo sa loob ng isang buwan.
tamaaaaa.

7. Nakagastos ka na ng at least P5000 sa Mcdo carpark. In fact, mas madalas ka pang kumain sa Mcdo kesa sa sarili niyong kusina.Note:sarado na ang mcdo. wala nang McDo.D:

8. Hindi mo alam yung tawag sa bagay na nasa base ng flagpole. Pero natutuwa ka dito dahil wala nito ang ibang school. Atomium daw un sabi ni Mia eh.pero cool nga un.:D

9. Paborito mong libangan ang pagtulog at pagkain sa klase, at pagtulog at pagkain kapag walang klase.pagpapatugtog.pagkain ulet. magaling!

10. Nakaka-sampung balik ka sa canteen kapag maraming absent na teacher. or pag mag cucutting sa mga teachers pag absent lang teacher.di ako nagcu-cutting eh.

11. Paborito mong subject ang Values o Elective, kaso nagalit ka sa mundo, dahil parehong wala nang ganito sa Kisay. true!

12. Sa-yan-shan ang pagbasa mo sa salitang "Scientian" nung first day mo sa Kisay.medyo na O.P ka sa unang araw ng klase alam ko na ung Scientian dahil dun sa ate ko,pero O.P nga ako nung first day.:P

13. Umaaasa ka pa rin na makakakuha ka ng stipend mo bago ka grumadweyt. dati.T-T

14. UP, Ateneo, at La Salle,UST ang first choices mong pupuntahan sa college. Willing kang isangla ang titulo ng bahay niyo, kalabaw at lola niyo sa probinsiya at ang toothbrush ng kapatid mo para lang makapag-review center bago mag-fourth year. oo.kaso iba na ngayon eh.-_-

15. Galit ka sa at least limang teachers sa Kisay sa di malamang kadahilanan. haha.totoo.

16. Galit ka sa atleast 5 higher year or lower year sa kisay totoo din.:))

17. Kapag may group projects/practices during weekends, gumagamit ka ng Filipino time. 9am ang usapan, 11:30 ka maliligo at aalis ng bahay. tatawag ang kaklase mo at sasabihin mong nasa byahe kana. yun pala kakagising mo lng minsan.minsan nauuna din ako eh.pero totoo 'to nung pumunta kaming Farmer's para mag-interview ng programmer.

18. At least 100 beses niyo na ginamit ang Mcdo carpark bilang lugar tagpuan. Bumibili ka pa ng Coke Float para lang magkaroon ng karapatan sa McDonald's. SO TRUE.

19. Na-late ka na dahil sobrang traffic sa tapat ng school at umiyak ka sa gate para lang makapasok pero parang bato yung puso nila--ang tigas! pero pwede na atang pumasok ng late ngayon eh. hindi, dumadaan kami sa backdoor ng kisay. :P :)) sa kisay ka lang talaga makakakita ng estudyanteng nag-oover the bakod para makapasok sa school. =)) <-- XD

20. Umiyak ka dahil 98 ka sa Math last quarter pero bumaba ka at 97 ka na lang. Natakot ka sa magulang mo at sa sinturon na hawak niya pag-uwi mo. Hindi mo naisip na may nakakakuha pala ng line-of-7 sa ibang section. antaas naman ata nian.di pa nga ako nagkakaroon ng 95 sa Math eh.pero pag bumaba grades ko,natatakot talaga ako.

21. Pinagbalakan mo na sunugin ang report card mo para di makita ng parents mo.or binibilang mo ang oras kung saan kukunin na ng parents mo ang report card mo.. may count out pa. hinde ah.mejo maganda naman card ko.:P

22. Bago mo basahin ito, alam mong may apat na Gazebo sa school, limang steps sa bleachers at limang poste ang covered court.pero di mo alam na meron nang ginagawaang bagong gate sa tabi ng bleachers. uuuy.alam ko yuuun.napagtripan kong umikot dun dati eh.:D

23. Alam mo rin na 1967 itinatag ang Kisay at Quezon City General Hospital na ngayon ang dating site ng school natin. TOTOO.at ampangit na ng QCGH.

24. Na-try mo nang magpa-gulong-gulong sa soccer field, aksidente man, o sadyang kata-- lang. :)) na try mo na din na umupo at makipagkwentuhan upo at kwentuhan lang,walang gulong-gulong.XD

25. May account ka sa multiply, friendster, plurk, blogspot, facebook at blogger Yahoo messenger at may cellphone ka dn. Online ka gabi-gabi at paborito mong sagutan ang mga survey na tungkol sa school.nakakarecieve ka din ng average of 3 group messages per day tama sa lahat except sa cellphone.:D

26. Nanonood kayo ng movies sa Trinoma or sa SM North kapag weekdays na walang pasok o may off-camp. hindi ko na-experience ung off-camp,pero naexperience ko nang manood sa SM kasama Curie2.:)

27. Halos sampung beses ka na nahuli ni Ma'am Hilario na di nagpapagupit tuwing first Monday, pero di ka nanaman nagpagupit ng Monday dahil akala mo bakasyon na. pag may kasalanan ka tiyak na magtatago ka sa loob ng room mo ng mga 5 days hanggang makalimutan nya atraso mo. babae po ako~

28. Natatawa ka sa mga jokes na tungkol sa sine, cosine, tangent, secant, cosecant, at cotangent kahit wala naman talagang nakakatawa dun. kahit di ko pa napag-aaralan, natatawa parin ako.:D

29. Hindi mo pa rin kabisado ang Ako Ay Pilipino kahit lagpas 100 beses niyo na ito kinanta sa covered court tuwing Monday o Friday. kabisado ko. pati Lungsod Quezon, tsaka Pilipinas kong Mahal. memoryado ko yan dahil sabi ng ate ko required daw un eh.*lagot sa 'kin 'yang ate ko.XD*

30. Nilalakasan mo ang boses mo sa part na "dito'y nupling, mithiing banal" sa di malamang dahilan.:)) WAHAHAHA.guilty.

31. Nakasakay ka na sa shopping carts ng SM na nasa Kisay ngayon. Kinarera niyo pa nga ito laban sa upuan ni Ma'am na may gulong eh. napagalitan ka na din ng teacher or mga taga coop dahil dito hindi pa.good girl ako eh.XD

32. May mga naiwang piso at dalawang pisong chits sa bulsa ng pantalon/skirt mo at di mo na ito pinapansin paghubad mo nito. pag nag-general cleaning kayo sa bahay nyo tiyak makakaipon ka ng mga 50 to 100 pesos na chits or depende kung gaano ka kayaman (proven) TAMA.

33. Nasuklian ka na ng mentos sa Coop. Nainis ka dahil sumakit ang ngipin mo dahil dito.sumakit din ang tiyan mo dahil kumain ka ng empanada at sago combo or cheezy at manggo combo tiyak didilaw ang ngipin mo.. pwede mong itry pero tiyak magsisisi ka (Proven Ulit) LOL.tinry mo talaga?

34. Nagkasakit ka na sa school at pumunta sa clinic para magpahinga. Pagpasok mo pa lang sa clinic, sasabihan ka kaagad ng "Gusto mo nang umuwi?", sabay abot ng biogesic kahit nagkasakit ka dahil sa dengue. hindi ako,pero may kilala akong naganyan.salamat ha Ma'am Valdez.

35. Muntik ka na magka-dengue dahil sa mga insektong di naman talaga nahahanap sa Pilipinas pero makikita mong lilipad-lipad sa classroom niyo. uhuh!

36. Paborito ng mga kaklase mo ang mga ibon/butterfly/bangaw/pusa na naliligaw sa classroom niyo.mawawala ang 2 minuto ng pagtuturo ng guro mo dahil dito Sa kasamaang palad, mamamatay ang kawawang nilalang. pusa lng makakasurvive ung maggots,peborit nila JM.gusto ko ung ibon.XD

37. Overnight ang tawag niyo sa sleepover.hindi ka masyadong makatulog sa panahong ito dahil sa O_ _ _ P. At mas marami pa kayong sleepover sa bahay ng kaklase mo kesa sa dami ng quiz niyo sa buong schoolyear. hindi ko pa na-try yan eh.-_-

38. Kasama ang DotA sa curriculum niyo. Kahit pagod na sa dami ng schoolworks ang mga kaklase mo, pipilitin nilang pumasok sa last subject nila tuwing hapon kahit medyo malayo yung Itlogerz, yosihan, at Playtronics sa school. isang oras bago maguwian na. sa boys yan!

39. Nakapunta ka na sa mga lugar na extension ng Kisay sa labas ng campus: Itlogerz, Uncle Bob's(sarado na ngayon), McDonald's Carpark, UP Nismed, UP College of Science, UP Los Banos, National Library, National Museum,Trinoma, SM North EDSA, SM Mall of Asia, atbp. lima palang sa mga yan eh.

40. Binubuksan mo ang mga blog entries na may word na "Scientian" sa inbox ng multiply mo. Binabasa mo 'to ngayon at hindi pwedeng hindi ka magcomment dahil nakikita kita sa "Who's Viewed My Page" ko. nyeee. TAMA.at nag-comment na 'ko.walang magrereklamo.XD

Labels: , ,

let's go the top,shall we?
flashback

April 2009 May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009 January 2010 February 2010 March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 September 2010 August 2011
what i wrote recently

grabbed sa Multiply ni Mia. paranoid.o_O haberdei to you! Jet Ultra Metal Pistachio. moonlight forever. *sigh* o52. Hey! Say! JUMP survey~ "Who are you not to be?"
so long~

LAYOUT BANNER COLORS MINIICONS